Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo, bababa ng 0.41 centavos per kilowatt hour.

$
0
0
Manila Electric Company (MERALCO) logo.

Manila Electric Company (MERALCO) logo.

PASIG CITY, Philippines —Magpapatupad ang Manila Electric Company (MERALCO) ng bawas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo na nagkakahalaga ng 41 centavos kada kilowatt hour.

Kaya kung ang isang konsumer ay gumagamit ng 200kwh, mababawasan ng P82.00 ang kanilang electric bill ngayong buwan.

P123 naman ang matitipid para sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt per hour. P164 para sa 400 kilowatt per hour consumption at P205 sa bawat 500 kilowatt hour.

Ayon sa MERALCO, ang pagbaba ng singil sa kuryente ngayong buwan ay bunsod ng bawas presyo sa generation charge at iba pang electric charges. Gayundin ang pagbaba ng presyo ng natural gas.

Hindi pa matiyak sa ngayon ng MERALCO kung magtutuloy-tuloy sa mga susunod na buwan ang pagbaba ng singil sa kuryente.

“We’ll have to see what the situation is. Right now, it’s too early to say what results will be. How will it affect the June generation charge,” pahayag ni Larry Fernandez, Utilities and Economics Head ng MERALCO.

Samantala, muling tiniyak ng MERALCO ang sapat na suplay ng kuryente sa mga polling precint sa mismong araw ng halalan sa Lunes, Mayo 9.

Sa kasalukuyan ay nainspeksyon at nakumpleto na ng MERALCO ang lahat ng kanilang mga pasilidad upang maiwasan ang anomang power interruption.

Nakahanda na rin ang mahigit sa dalawang daang generators sakaling magkaroon ng emergency brownouts sa ilang presinto.

Siniguro rin ng power company na naka-standby ang mga tauhan nito upang rumesponde sa anomang emergency power repair upang hindi maantala ang botohan.

(JOAN NANO/UNTV News)

The post Singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo, bababa ng 0.41 centavos per kilowatt hour. appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481