MANILA, Philippines – Hinahanda na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga ipapadalang tulong sa mga inililikas na residente sa Zamboanga City dahil sa nagpapatuloy na krisis sa lugar.
Ayon kay PCG Spokesman Lieutenant Commander Armand Balilio, dalawang barko ng Coast Guard ang maghahatid ng relief goods.
Lulan nito ay mga kulambo o mosquito nets, plastic mats, kumot, food pack, tent at portalet.
“We are confirming the statement na merong 2 barko na magdadala ng relief goods kasama na rito ang mga food packs blankets mga tents at mga portalets,” pahayag ni Balilo. (UNTV News)