MANILA, Philippines – Ipinarating ng pamahalaan ng Pilipinas ang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng shooting incident sa Washington Navy Yard Lunes ng gabi, Philippine time.
Ayon kay Philippine Ambassador to United States Jose Cuisia Jr, kaisa ng buong mundo ang mga Pilipino sa pagdadalamhati ng mga kaanak ng mga nasawi sa trahedya.
Sinabi din ni Cuisia na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos sa mga ospital at local authorities upang matiyak na wala ngang Pilipinong nadamay sa naganap na pamamaril na kumitil sa buhay ng labing dalawa. (UNTV News)