MANILA, Philippines — Ilulunsad na sa susunod na buwan ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) ang Emergency Cell Broadcast System na naglalayong makapagbigay ng maagang babala sa mga lugar na maaapektuhan ng paparating na kalamidad.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec. Eduardo Del Rosario, ilang oras bago dumating ang kalamidad gaya ng bagyo o tsunami ay agad nilang ipadadala ang text message sa mga residente na direktang maaapektuhan nito.
Sa ganitong paraan ay makapaghahanda na ang publiko at maiiwasan ang casualty.
“All users of SMART and Sun cell will receive that emergency information that signal 4 is about to heat your province or your region in 12 hours or less. We will just use this in emergency in nature if a tsunami will heat a particular seaboard in a 5 or 6 hrs we will send the broadcast in 30 minutes or less,” pahayag ni Del Rosario.
Samantala, direkta na ring matatanggap ng mga mayor sa mga siyudad at munisipalidad sa National Capital Region (NCR) ang latest advisory mula sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) sa pamamagitan ng sim cards na ipamamagi sa kanila.
Ito ay upang makagawa agad ng kaukulang aksyon ang Local Government Units (LGUs) kung may bubuhos na malakas na ulan lalo na sa mga nasa mabababang lugar.
Ilan sa mga advisory na inilalabas ng PAGASA ay ang rainfall at thunderstorm advisory na nagsasaad ng mga lugar na uulanin sa loob ng 2 hanggang 3 oras.
“This is one way now we can assured na may mga hotline tayo sa mga mayora natin which are the actually decision makers,” pahayag ni DOST Asec. Raymund Liboro. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)