
Ang Mabolo Elemnetary School sa Mandaue City ay ginawang evacuation center ng mga residenteng nakapaligid dito nitong Nobyembre 08, 2013. Sinuspinde naman ngayon hanggang sa Biyernes ang mga pasok sa eskwelahan sa ilang mga bayan ng Cebu dahil sa pinsalang tinamo mula sa pananalasa ni Yolanda. (ROMALDO MICO SOLON / Photoville International)
CEBU CITY, Philippines — Suspendido ang klase sa elementarya at sekondarya sa siyam na bayan sa Cebu mula ngayong Lunes, Nobyembre 11 hanggang 15.
Kabilang sa mga walang pasok ang mga sumusunod na bayan:
Sogod
Borbon
Tabogon
San Remigio
Medellin
Daan-bantayan
Madrilejos
Santa Fe
Bantayan
Layon nitong bigyan ng panahon na maisaayos ang mga naapektuhang silid-aralan sa pananalasa ng Bagyong Yolanda. (UNTV News)