MANILA, Philippines — Nanawagan ang Malakanyang sa publiko na magtulungan sa halip na magsisihan kaugnay ng naganap na pananalasa ng super typhoon Yolanda sa Visayas Region partikular sa Tacloban.
Ayon kay Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras, hindi na dapat pang kwestyunin ang ginawang paghahanda ng mga local official ng napinsalang mga lalawigan.
Sinabi ng kalihim na patuloy ang pagsisikap ng national government na marating ang mga barangay sa Tacloban City na matinding napinsala ng bagyo.
Idinagdag pa ni Almendras na sa ngayon, partially operational na ang Tacloban Airport at maaari ng lumipad ang ilang eroplano mula Tacloban patungong Cebu. (UNTV News)