MANILA, Philippines – Halos pitumpu’t limang porsyento pa sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Yolanda ang wala pa ring linya ng komunikasyon.
Ayon kay DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya, ang Guiuan at Biliran ay zero percent pa rin sa kasalukuyan.
Gayunman, sinabi ni Abaya na ginagawa na ng Department of Energy (DOE) at National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng paraan upang maibalik ang linya ng komunikasyon sa lalong madaling panahon.
“We have assisted them both in port and air transport in bringing in their equipment and personnel,” pahayag ni Abaya. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)