MANILA, Philippines — Mismong ang United Nations (UN) na ang aapela upang makalikom ng pondo para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda sa Pilipinas.
Maglulunsad ng major aid appeal ang United Nations (UN) para sa Pilipinas.
Dumating sa bansa ngayong araw, Martes si UN Humanitarian Chief Valerie Amos upang pangunahan ang “flash appeal” na layong makalikom ng milyong dolyar para sa mga biktima ng bagyo.
Una ng sinabi ni UN-OCHA (Office for the Coordination of Humanitarian Affairs Operations) Director John Ging na bagama’t nagpapadala ng tulong ang iba’t ibang bansa, hindi umano ito sapat upang pondohan ang laki ng pinsalang idinulot ng bagyo.
“The scale of devastation is massive and therefore it will require a mobilization of massive response. The Emergency Relief Coordinator, Valerie Amos is on her way to the Philippines, she’s just announced the release of 25 million dollars from the Central Emergency Response Fund, and that is to enable humanitarian agencies to mobilize their response as quickly as feasible.”
Sa ngayon ay nasa 22 bansa na ang nagpaabot ng tulong sa Pilipinas sa pangunguna ng Amerika na bukod sa humanitarian assistance at military aide ay magpapadala rin ng aircraft carrier upang tumulong sa relief operations.
Mga bansang nagpaabot ng tulong sa Pilipinas:
Australia
Belgium
Canada
Denmark
Finland
Germany
Hungary
Indonesia
Israel
Japan
Malaysia
the Netherlands
New Zealand
Norway
Russia
Singapore
Spain
Sweden
Turkey
United Arab Emirates
United Kingdom
USA
Samantala, isang climate conference naman ang kasalukuyang isinasagawa ngayon ng United Nations sa Warsaw, Poland na dinaluhan ng mga delegado mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Pilipinas.
Layunin ng pagpupulong na pag-usapan ang billion dollar climate fund na gagamitin upang maisaayos ang climate change adaptation ng mga developing countries at labanan ang lumalalang global warming.
Sa talumpati ng delegado ng Pilipinas na si Yeb Saño, umaapela ito ng agarang aksyon sa mga miyembro ng UN Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) habang inilalarawan ang masaklap na sinapit ng mga kababayang Pilipino dahil sa Bagyong Yolanda.
“Today I say we care. We can fix this. We can stop this madness right now, right here in the middle of this football field and start moving the goal posts. Mr President, your Excellencies, honorable ministers. My delegation calls on you respectfully to lead us and let Poland and Warsaw be remembered forever as the place where we truly cared to stop this madness.”
Matapos ang kanyang talumpati, hindi na napigilang maiyak ni Yeb at maging ng ilang delegado ng ibang bansa kasabay ng pagbibigay sa kanya ng standing ovation.
Ayon sa World Wide Fund for Nature (WWF), sapat na ang lupit na ipinakikita ng kalikasan upang gumawa na ng aksyon ang mga may kapangyarihan upang lunasan ang epekto ng climate change sa mundo.
“We have a nation in mourning with the loss of over 10,000 people and massive destruction as we’ve heard. With that in mind, we need to remind out negotiators that we can often feel secure in the confines of these air-conditioned rooms in these negotiations but that none of us will be untouched by what climate, the impacts of climate means for all of us. So we believe that negotiators need to have a wake-up call. How much more of the signs and how much more of the evidence is needed to get our leaders to wake up,” pahayag ni WWF advocate, Tasneem Essop. (UNTV News)