MANILA, Philippines – Naglabas ng public service announcement ang Filipino-American Miami Heat Coach na si Erik Spoelstra para sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda sa Pilipinas.
Katuwang ang UNICEF, nananawagan ang two-time NBA champion coach na tulungan ang mga nakaligtas sa kalamidad na makabangon muli.
Una rito ay nag-pledge ang kanyang koponan ng one million dollar donation para sa relief efforts. (UNTV News)