MANILA, Philippines – Unti-unti nang bumabangon ang Tacloban City, Leyte mula sa hagupit ng Bagyong Yolanda sampung araw na ang nakalipas.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nasa early recovery stage na ngayon ang mga munisipalidad.
Napuntahan na at nabigyan na ng relief goods ang lahat ng apektadong lugar sa tulong na rin ng iba’t ibang NGO at international organizations.
Wala na ring problema sa suplay ng tubig dahil nagbukas na ang water district sa lungsod.
Bumuo naman ng task force normalization ang pamahalaan na pamumunuan ng mga local official upang tutukan ang muling pagbangon ng Tacloban. (UNTV News)