MANILA, Philippines – Tiniyak naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang seguridad ng mga naghahatid ng relief goods sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Yolanda.
Kasunod ito ng mga balitang panghaharang ng ilang nagsasamantala sa mga naghahatid ng tulong sa mga biktima ng bagyo.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Eduardo Del Rosario, pitumpung porsyento na ng air assets ng AFP ang nagdadala ng relief goods sa mga lugar na nasalanta bukod pa dito ang sea at land assets.
Humihingi naman ng pang-unawa ang AFP sa mga naghihintay pa ng relief goods. (UNTV News)