Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang malalayong bayan ng Leyte na hinagupit ni Yolanda, binisita ni Pangulong Aquino

$
0
0
Si Pangulong Benigno Aquino III sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ni Super Typhoon Yolanda sa mga taga-Alangalang, Leyte nitong Lunes, Nobyembre 18, 2013. (RTVM)

Si Pangulong Benigno Aquino III sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ni Super Typhoon Yolanda sa mga taga-Alangalang, Leyte nitong Lunes, Nobyembre 18, 2013. (RTVM)

LEYTE, Philippines — Nilibot ngayong araw ng Lunes ni Pangulong Benigno Aquino III kasama ng ilang miyembro ng gabinete ang mga malalayong lugar ng Leyte partikular ang bayan ng Palo at Alangalang na napinsala ng Super Typhoon Yolanda.

Pinuntahan ng pangulo ang munisipyo ng Palo at nakipagpulong sa mga lokal na opisyal. Namigay rin ito ng mga relief goods sa mga residente.

Binisita din ni Pangulong Aquino ang nasirang palengke ng naturang bayan at kinumusta ang mga tindero.

Dinayo din ng pangulo ang isa mga remote area ng Leyte ang bayan ng Alangalang. Itinuturing ang lugar na isa sa nagbibigay ng malaking kontribusyon sa sektor ng agrikultura dahil sa dami ng niyog na nakatanim dito.

Bukod sa ipinamahaging relief goods, nangako ang pangulo na tutulungan ang mga residente sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa pangulo, “pangatlong round na po ng tulong kasama na po mga trapal para sa mga bubong natin binaggit ni vice yung problema natin sa agrikultura pababalikin natin si Secretary Alcala para makipag-gnayan sa lahat ng mayor ng Leyte.”

Dagdag pa nito, “tuloy tuloy ho ito hanggang makabangon tayo lahat dito pakiusap lang po natin damayan pakikisama sa isat isa at konting pasensya para mapabilis ang buong proseso ng pagbangon po lalo na dito sa alangalang.”

Samantala, iniulat naman ni Energy Secretary Jerico Petilla na 160 power transmission towers ang ibinagsak ng Bagyong Yolanda.

Sa kabila nito, tiniyak ni Petilla na sa Disyembre 24 ay magkakaroon na magliliwanag na ang buong Visayas.

“We will target December 24 hindi ko alam kung makikipagpustahan ako kasi medyo very very tight ito we have to target that otherwise kung safe ang target ko at hindi ako tataya hindi mangyayari,” ani Petilla.

Hanggang ngayon ay nasa Tacloban pa rin si Pangulong Aquino at patuloy na nagiinspeksyon sa mga apektadong lugar upang matiyak na hindi napapabayaan ang mga biktima ng Super Typhoon Yolanda. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481