Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pasya ng SC ukol sa pork barrel, iginagalang ng Senado

$
0
0
“In a decision promulgated today, the Court en banc (voting 14-0-1) partially granted the three consolidated petitions challenging the constitutionality of PDAF system. The Court, speaking through Justice Estela Perlas-Bernabe, ruled that the pork barrel system is unconstitutional.” — Senate President Franklin Drilon. FILE PHOTO. (UNTV News)

“In a decision promulgated today, the Court en banc (voting 14-0-1) partially granted the three consolidated petitions challenging the constitutionality of PDAF system. The Court, speaking through Justice Estela Perlas-Bernabe, ruled that the pork barrel system is unconstitutional.” — Senate President Franklin Drilon. FILE PHOTO. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Iginagalang ng senado ang pasya ng Korte Suprema na unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund o pork barrel system.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, mayorya ng mga senador bago pa man nagpasya ang korte ay pabor na sa abolisyon ng PDAF.

“We welcome the decision of the Supreme Court declaring PDAF unconstitutional, susunod po kami sa utos ng Korte Suprema,” ani Drilon.

“Unconstitutional na eh, that’s the interpretation of the Supreme Court at saka may dalawang desisyon na eh involved dyan yung Demetrio vs Alba nung 1987 at yung Sanches vs COA decided nung nasa SC pa si Justice Tinga,” pahayag naman ni Minority Floor Leader Sen. Juan Ponce Enrile.

Nirerespeto rin ni Senador Sonny Angara ang desisyon ng korte at dapat na rin aniyang humanap ng paraan ang pamahalaan upang matiyak na di maaapektuhan ang mga public and social services.

Inihalimbawa nito ang mga iskolar ng state universities and colleges na dapat payagan na makapag-enrol sa study now pay later basis.

Ikinatuwa naman ni Senate Majority Leader Allan Peter Cayetano ang desisyon ng Supreme Court na aniya’y nagresolba sa matagal nang isyu ukol sa pork barrel.

Nanawagan ito sa mga kapwa mambabatas na sundin ang ruling ng korte at huwag nang tangkain pang lumihis sa desisyon ng kataas-taasang hukuman.

Nakiusap din ito sa ehekutibo at kongreso na tiyakin na ang unspent portion ng PDAF ay mapupunta sa mamamayan. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481