Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Napoles, no show sa pagdinig ng DOJ sa tax evasion complaint ng BIR

$
0
0
FILE PHOTO: JANET in the PALACE. Ang pagsuko ng isa sa mga suspek sa pork barrel scam na si Janet Lim Napoles kay Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang bandang 9:37 ng gabi noong August 28, 2013 kasama ang kanyang abogado na si Atty. Lorna Kapunan. (Photo by: Rodolfo Manabat / Malacañang Photo Bureau / PCOO).

FILE PHOTO: JANET in the PALACE. Ang pagsuko ng isa sa mga suspek sa pork barrel scam na si Janet Lim Napoles kay Pangulong Benigno Aquino III sa Malacañang bandang 9:37 ng gabi noong August 28, 2013 kasama ang kanyang dating abogado na si Atty. Lorna Kapunan.
(Photo by: Rodolfo Manabat / Malacañang Photo Bureau / PCOO).

MANILA, Philippines – Sa ikatlong pagkakataon, no show ang mag asawang Jaime at Janet Lim-Napoles sa pagdinig ng Department of Justice (DOJ) sa P60 million tax evasion complaint ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Tanging ang abogado ng mga ito na si Atty. Ian Dela Cruz Encarnacion, ang nagsumite ng joint counter affidavit ng mag-asawang Napoles.

Subalit, ibinasura lamang ni Sr. Asst. State Prosecutor Fiscal Edna Valenzuela ang nasabing affidavit dahil hindi ito pinanumpaan sa public prosecutor.

“The joint counter affidavit is not duly subscribe to the public prosecutor but notarize by private lawyer, it’s not inconformity by the rules of court,” pahayag ni Valenzuela.

Katwiran ng abogado ni Napoles, hindi makalabas ng kulungan ang kanyang kliyente kaya’t notaryado lamang ito ng isang private lawyer.

Matapos hilingin, binigyan naman ng tatlong araw na palugit ng piskalya ang kampo ni Napoles upang magsumite ng mosyon kung saan uutusan nito ang jail warden ng Fort Sto. Domingo na payagan si Napoles na makalabas ng kulungan at makapanumpa sa harap ng provincial prosecutor ng Laguna.

Ani Valenzuela, “They will requesting either Napoles be escorted to the OFC of then provincial prosecutor of Laguna or the public prosecutor to go to the detention cell.”

Gayunmay, tiniyak ni Valenzuela na matapos ang tatlong araw na palugit at sa loob ng 10 araw ay maglalabas sila ng resolusyon sa reklamo matapos na makapagsumite ang mga ito ng joint counter affidavit. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481