MANILA, Philippines – Nagpatupad ng dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis sa bansa ngayong Martes, Mayo 21.
Epektibo ala-6 ng umaga kanina, nagtaas ang Shell, Petron at PTT ng P0.35 sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina.
P0.25 naman ang itinaas sa presyo ng kada litro ng kanilang diesel.
Ang panibagong price adjustment ay bunsod umano ng paggalaw sa halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan. (UNTV News)