Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

“Mas successful ang 2013 elections kumpara noong 2010″– Brillantes

$
0
0
FILE PHOTO: COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. (WILLY SEE / Photoville International)

FILE PHOTO: COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. (WILLIE SY / Photoville International)

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr. na maituturing na tagumpay ang katatapos lamang na 2013 midterm elections kumpara noong 2010.

Ito ang assessment ni Brillantes sa kabila ng mga kabi-kabilang batikos sa kredibilidad ng automated na botohan.

“Overall assessment compared to the 2010? I always categorized 2010 as success but qualified success. Ngayon tatanggalin ko na yung qualified, this is a success compared to 2010. Regardless of the other people are talking about, successful ang 2013.”

Ayon kay Brillantes, kung ikukumpara sa kauna-unahang nationwide computerized voting noong 2010, masasabing ang COMELEC ang nagpatakbo sa halalan ngayong 2013 at hindi ang Smartmatic.

Sinabi nito na sa mga susunod na halalan ay kakayanin na ng mga Pilipino ang paggamit ng PCOS machine kahit wala ang Smartmatic.

Gayunman, mas makabubuti na magpa-bid out ng panibagong system technology dahil sa dami ng batikos at aberya sa PCOS machine.

“2016 kaya na natin, if we will use PCOS again. But I’m not going to recommend PCOS anymore. Eh kung 2 eleksyon pa lang din a tumitigil ang ingay, e di palakas nang palakas ang ingay. Kawawa naman yung papalit sa akin.”

Sa kabila nito, nanindigan pa rin ang COMELEC na walang problema sa naging resulta ng katatapos na halalan.

“Those who just disagree, if they want to question the proclamation of the six, you better go up somewhere else. If they still want to create problem with senators, they can go anywhere if they want to question it,” pahayag pa ni Brillantes. (Pong Mercado & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481