Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Emergency employment program, isinusulong na sa Eastern Samar

$
0
0
Google Maps: Eastern Samar

Google Maps: Eastern Samar

MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Eastern Samar ang agarang pagbibigay ng trabaho at mapagkikitaan sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda.

Ayon kay Eastern Samar Representative Ben Evardone, maliban sa relief goods ay kailangan rin ngayon ng ating mga kababayan doon ang mapagkakakitaan.

Aniya, ang mga punong natumba ay iko-convert sa coco lumber upang pansamantalang pagkakitaan ng mga mamamayan doon.

“Kausap ko kahapon si Alcala, kasi yung mga natumbang puno ng niyog kailangan ma-convert sa coco lumber kailangan ng maraming chainsaw, P300/day ang bayad sa mago-operate ng chainsaw,” pahayag nito.

Pinag-aaralan na rin ng kongresista ang pagsasagawa ng massive coconut tree planting sa mga lugar na halos wala nang natirang puno ng niyog.

Ang mga magtatamin ay babayaran ng P40 sa kada isang puno na kanilang itatamin.

Magpapatulong rin ang probinsya sa pagkukumpuni sa mga nasirang bahay at establisyimento.

At dahil wala nang pork barrel ang mga kongresista, lahat ng pondo na gagamitin ay manggagaling sa mga ahensya ng pamahalaan gaya ng DOLE, DPWH, DSWD at iba pa.

“Ang national government ang magsho-shoulder ng pondo nito,” saad ni Evardone. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481