http://www.youtube.com/watch?v=PfN4Le-9VeE
Daniel Razon receives EPIC Awards for public health care from Philippine Academy of Medical Specialists (PAMS)
MANILA, Philippines — Isinagawa ang ika-walong edisyon ng “EPIC Awards” ng Philippine Academy of Medical Specialists (PAMS), nitong Linggo, Nobyembre 17, 2013 sa Diamond Hotel, Manila.
Binigyang pagkilala si Mr. Public Service Kuya Daniel Razon na isa eight pioneering / progressive / productive individuals or chapter / community / cooperative dahil sa katatangi tanging paggawa o serbisyo sa publiko na nakatuon sa aspetong pang-kalusugan.
Pahayag ng presidente ng PAMS na si Dr. Daisy Lim-Camitan, “Yung lahat ng nagawa ni Kuya Daniel, yung siya yung nag-isip, siya yung nanguna nito na nakaisip ng idea, na in terms of public service, pagdating sa kalusugan, pagdating sa kaligtasan, siya din yung nanguna dun sa Tulong Muna Bago Balita”
Personal namang tinanggap ni Kuya Daniel ang trophy sa kanyang pang-umagang programa sa UNTV na “Good Morning Kuya.”
Ani Mr. Public Service, “Nagpapasalamat tayo sa Dios na tayo po ay nagiging maliit na kasangkapan para sa ating mga kapwa tao at dalangin namin na sana sa amin pong kaliitan ay magamit pa rin tayo ng Lumikha sa atin. Makapagpatuloy kung saan man tayo ibig nyang magamit na kasangkapan para sa ikabubuti ng ating kapwa at lagi po itong isang bagay na nagpapaalala sa atin kung gaano po naman tayo kawalang kabuluhan. Tayo po ay malilit lamang na instrument para maipalaganap ang kabutihan ng Poong Maykapal. Ang amin pong pag-asa at dalangin ay makapagpatuloy kami na maging maliit na kasangkapan na makapagbigay ng anumang bagay na maaring maiabot sa ating mga kapwa tao at ito po ay una kinikilala nating kabutihan ng Dios sa bawat isa sa atin. Kaya manatili pong sa Dios ang lahat ng karangalan at kapurihan magpakailanman. Salamat po sa lahat ng mga umuugit nitong EPIC Awards, pagpalain nawa kayo ng Panginoon.”
Kasama rin sa walong individual na ginawaran ng EPIC Awards ay ang ating volunteer doctor sa Clinic ni Kuya Daniel na si Dr. Napoleon Borje.
Ang PAMS ay samahan ng mahigit anim na libong mga doktor ng iba’t ibang espesyalidad sa buong Pilipinas. (ADJES CARREON, UNTV News)