MANILA, Philippines – (Update) Umabot na sa 3,982 ang naitalang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Yolanda.
Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC), nadagdagan din ang bilang ng sugatan na umaabot na sa 18,266 habang 1,602 pa rin ang nawawala.
Sa ngayon ay umaabot na sa 2,166,891 pamilya o katumbas ng 10,047,652 indibidwal ang naitalang naapektuhan ng bagyo, kung saan karamihan dito ay nananatili pa rin sa mga evacuation center.
Umabot na rin sa P11, 737,153,892.92 ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyo sa agrikultura at imprastraktura.
Samantala, nasa P372, 228,400.31 na ang naipamahaging relief assistance ng gobyerno sa mga nasalanta sa Regions IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, X, XI, at CARAGA. (UNTV News)