Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga typhoon survivor na walang matuluyan sa Maynila, kukupkupin ng ilang kongresista

$
0
0
Katulad ng mga kababayang ito na sakay ng C-130 palabas ng Tacloban upang makapagpasimula ng panibagong buhay sa Cebu matapos ang pananalasa ni Bagyong Yolanda, ang mga typhoon survivors naman na lumuwas ng Maynila na nagnanais ding makapagpanibagong buhay na walang tiyak na matutuluyan ay nakahanda namang kukupin ng mga kongresista na taga-Metro Manila Development Committee ng House of Representatives sa pamamagitan ng kanilang PROJECT YAKAP. (JULIUS CASTROVERDE / Photoville International)

Katulad ng mga kababayang ito na sakay ng C-130 palabas ng Tacloban upang makapagpasimula ng panibagong buhay sa Cebu matapos ang pananalasa ni Bagyong Yolanda, ang mga typhoon survivors naman na lumuwas ng Maynila ay nagnanais ding makapagpanibagong buhay. Ngunit ang ilan sa kanila ay walang tiyak na matutuluyan. Sa pamamagitan ng PROJECT YAKAP ng Metro Manila Development Committee ng House of Representatives, nakahanda silang kupkupin ng mga kongresista na miyembro nito. (JULIUS CASTROVERDE / Photoville International)

MANILA, Philippines — Nasa limang libo na ang mga survivor na dumating sa Villamor Air Base sa lungsod ng Pasay mula sa Tacloban at iba’t ibang lugar na naapektuhan ng Bagyong Yolanda.

Marami sa kanila ang walang tiyak na matitirhan na nagtungo sa Maynila upang takasan ang masaklap na sinapit sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, nakahanda naman ang ilang kongresista sa Maynila na kupkupin muna ang mga survivor sa ilalim ng programang Project Yakap na inilunsad ng House of Representatives – Metro Manila Development Committee.

Sa ngayon ay wala pang nagpapatala na nais magpakupkop sa mga kongresista, ngunit patuloy ang paghahanda para sa mga lugar na pwede nilang matirahan.

Ayon kay Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian, tutulungan rin nila ang mga estudyante na maituloy ang kanilang pag-aaral sa Maynila.

“Interim lang ito hanggang andito sila sa Metro Manila. Educational support bibigyan din natin kakausapin namin principal na tanggapin ang mga transient na papasukin sa school.”

Samantala, nilinaw naman ng mga kongresista na pansamantala lamang at hindi permanente ang kanilang gagawing pagkupkop .

Sa sandaling maayos na muli ang kabuhayan sa mga lugar na kanilang pinagmulan ay hihikayatin na silang bumalik doon.

“We will try to rehabilitate them wait lang namin na maayos ang province nila pero sana bumalik sila sa province nila kasi possible na dadagdag sila sa kakulangan ng classroom dito sa Manila informal settlers and dagdag vendors,” pahayag ni Quezon City Rep. Winnie Castelo.

Tiwala naman ang mga kongresista na maraming private organization ang tutulong sa kanila upang maibigay ang pangangailangan ng mga survivor.

Maliban dito ay may pondo pa rin silang natira na nasa iba’t ibang ahensya gaya ng DepED at DSWD.

Hinikayat naman ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang kanilang mga kababayan na muling bumalik sa kanilang lugar kapag maayos na ang sitwasyon.

Gayunman, naiintindihan umano niya ang kasalukuyang pinagdadaanan ng mga survivor.

“Hindi po sila masisi na gusto nila umalis doon kasi wala sila matitirhan at masisilungan,” ani Evardone. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481