MANILA, Philippines — Hindi pa rin pinahihintulutan ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang mga maliliit na eroplano na lumapag sa Tacloban Airport.
Ayon sa CAAP, ipinatutupad pa rin ang total ban sa light fixed wing aircraft at private planes sa paliparan matapos ang pananalasa ng Bagyong Yolanda.
Sinabi ni CAAP Deputy Director General, Captain John Andrews na prayoridad nila ang mga commercial flights na mula Mactan, Cebu at Manila na nagdadala ng relief goods. (UNTV News)