QUEZON CITY, Philippines — Isang paggunita ang isinasagawa ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP nitong Miyerkules, Nobyembre 20, para sa ikaapat na taong anibersayo ng Maguindanao Massacre.
Sa tapat ng himpilan ng UNTV sa Quezon City, kabilang na nakipagtipon ang mga kabataan at estudyante ng AB Broadcasting at Mass Communications Techonlogy ng La Verdad Christian College.
Candle lighting ceremony at ilang pag-alaala upang sariwain ang nangyaring karumaldumal na massacre noong November 23, 2009 sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao ang isinagawa.
Ani Edel Amaro ng NUJP, “We really appreciate that because hindi lang dahil sa may apat na members kayo na napasama noong araw na iyon, but it’s also tinutulungan ninyo na mapaabot natin ang paghingi ng hustisya. To seek attention sa Judiciary and then sa Executive department to take a look in these situation.”
Ngayong hapon ng Huwebe, nakatakdang magsagawa ng candle lighting ang grupo sa University of the East sa Maynila.
Sa Biyernes, Nobyembre 22, bisperas ng 4th anniversary commemoration, isang human chain simula Raha Solayman hanggang CCP Complex sa Roxas Boulevard ang lilikhain ng nujp kasama ang iba’t-ibang mediaman at mga pribadong mamamayan upang isigaw ang paghingi ng hustisya.
“Hindi lang kasi ito laban ng media but for Filipino people na when it comes to reign of impunity na mas tough na talaga iyan. At saka, para magkaroon ng awareness hindi lang sa mga kapatid natin sa media but for everyone,” dagdag pa ni Amaro. (BERNARD DADIS, UNTV News)