Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang PCOS machine sa Naga City, nagka-aberya

$
0
0
Ang PCOS machine na nagkaroon ng aberya kung kaya't naabala ang pagboto sa presintong ito sa  Tabuco Central Elementary School. (ALLAN YANGA MANANSALA / Photoville International)

Ang isa sa ilang PCOS machine na nagkaroon ng aberya kung kaya’t naabala ang pagboto sa presintong ito sa Tabuco Central Elementary School. (ALLAN YANGA MANANSALA / Photoville International)

NAGA CITY, Philippines – Patuloy pa rin ang pagdating ng mga bikolano sa Camarines Sur para bumoto.

Pasado alas-8 kanina ay dumating sa Tabuco Central Elementary School si Jose Robredo, ang kapatid ng yumaong si dating DILG Secretary Jesse Robredo.

Bahagya namang naantala ang pagboto nina Atty. Leni, Aika at Tricia Robredo, ang maybahay at mga anak ng dating kalihim dahil nagka-aberya ang PCOS machine na nakatalaga sa kanila.

Ayon sa assigned technician sa PCOS machine na si Anna Marie Tena, nagkaroon lang ng maliit na system error sa memory ng PCOS machine kaya hindi agad ito gumana dahilan para maantala ang ilang botante kasama na ang mag-iinang Robredo.

Ayon pa kay Tena, agad naman niyang itinawag sa COMELEC office ng Naga City ang pangyayari bilang pagsunod sa proseso.

Halos isang oras din bago napagana ang makina. (Allan Manansala & Ruth Navales, UNTV News)

Ang mag-iinang Robredo na sina Leni, Tricia at Aika habang ipinapakita sa media ang kanilang mga hintuturo na nalagyan na ng indelible ink na palatandaang sila ay nakaboto na. (ALLAN YANGA MANANSALA / Photoville International)

(LEFT to RIGHT) Ang mag-iinang Robredo na sina Leni, Tricia at Aika habang ipinapakita sa media ang kanilang mga hintuturo na nalagyan na ng indelible ink na palatandaang sila ay nakaboto na. (ALLAN YANGA MANANSALA / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481