Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DFA: Tulong mula sa international donors, umabot na sa P12.9-B

$
0
0
 FILE PHOTO: Department of Foreign Affairs Spokesman Assistance Secretary Raul Hernandez (UNTV News)

FILE PHOTO: Department of Foreign Affairs Spokesman Assistance Secretary Raul Hernandez (UNTV News)

MANILA, Philippines — Umabot na sa $256 million ang kabuoang halaga ng tulong mula sa ibat-ibang bansa at international organization ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa nasabing donasyon, P8.5 billion ay in cash at ang P4.4 billion naman ay non cash.

Ayon kay DFA Spokesman Assistance Secretary Raul Hernandez, ang $13 million ay idinaan sa pamahalaan.

Ito ay namomonitor sa pamamagitan ng Foreign Aid Transparency Hub (FAiTH).

Kabilang naman sa mga bagong donasyon ay nagmula sa mga bansang Bangladesh, Brunei Darrusalam, Cambodia, Czech Republic (Check), at Ukraine.

Ang ibang bansa naman na naunang nangako ng tulong ay dinagdagan pa ang kanilang mga donasyon.

“Meanwhile several donors such as Australia, Canada, New Zealand and Norway has extended their amount of assistance, 20 million us dollars of the 23 million us dollars grant provided by ADB came from Japan,” ani Hernandez.

Samantala, inanunsyo rin ng DFA na ang lahat ng mga biktima ng Bagyong Yolanda na may pasaporteng nawala o nasira ay hindi na kailangan pang magpresinta ng kanilang affidavit of loss for replacement.

Inatasan na aniya ang lahat ng DFA offices sa buong bansa na ipatupad ang naturang direktiba hanggang Enero ng susunod na taon.

Matapos ang Enero ay muling babalik sa normal procedure at requirements ang pag-aapply ng passport.

Ang operasyon naman ng DFA office sa Tacloban ay pansamantalang itinigil at lahat ng mga passport doon ay iingatan muna sa consular office sa Metro Manila.

Maaari aniyang puntahan ng mga apektadong aplikante ang kanilang passport sa Macapagal Avenue sa Pasay.

“They are also not required to pay the penalty for the loss of valid passport, the applicants only have to submit simple written statement of loss or mutilation of the passport and if possible a brgy certifications stating that they are victims of Yolanda,” saad pa ni Hernandez.

Humihingi naman ng pangunawa ang DFA sa mga aplikanteng taga Tacloban dahil ang karamihan ay nabasa ng tubig noong bagyo.

Ang mga aplikanteng may concerns ay maaaring magsumite ng sulat sa passportconcerns@dfa.gov.ph

at tumawag sa #556-0000. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481