MANILA PHILIPPINES — Nagsimula na ang Special Barangay Elections sa Bohol at Zamboanga City ngayong araw.
Mahigpit ang seguridad na ipinatutupad lungsod ng Zamboanga matapos maganap ang bakbakan ng militar at MNLF noong Setyembre na dahilan kung kaya ipinagpaliban ang halalan dito.
Mahigit 800 AFP personnel at 500 pulis ang ipinakalat sa lungsod upang magbantay.
Mayroong 400,000 botante ang nakarehistro para sa 98 barangay dito.
Kabilang dito ang mga residente ng conflict areas na hanggang sa kasalukuyan ay namamalagi sa evacuation center sa Zamboanga Gymnasium.
Samantala, mahigit dalawang libong polling precinct naman ang binuksan sa lalawigan ng Bohol para sa halalang pambarangay.
Muli namang nagpaalala ang COMELEC na eksakto alas tres ng hapon ay isasara na ang mga polling precinct
Ang pagpapaliban ng eleksyon sa Bohol ay bunsod ng pagtama ng 7.2 magnitude na lindol sa lalawigan noong October 15. (UNTV News)