Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Manny Pacquiao, nagwagi laban kay Brandon Rios via unanimous decision

$
0
0
Dinomina ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kalaban nitong si Brandon Rios para sa World Boxing Organisation (WBO) International welterweight boxing title nitong Linggo, Nobyembre 24, 2013 sa Macau, China (REUTERS/Tyrone Siu)

Dinomina ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kalaban nitong si Brandon Rios para sa World Boxing Organisation (WBO) International welterweight boxing title sa labang ginanap nitong Linggo, Nobyembre 24, 2013 sa Macau, China (REUTERS/Tyrone Siu)

MACAU, China — Muling pinatunayan ni People’s Champ Manny Pacquiao ang kaniyang bilis at galing nang talunin ang American boxer na si Brandon ‘Bambam’ Rios via unanimous decsion sa 12 rounds ng kanilang laban sa Macau Cotai Arena nitong Linggo, Nobyembre 25, 2013.

Sa unang round pa lamang ay nagpakita na ng bagsik ng kaniyang suntok si Manny na nagresulta ng sugat sa magkabilang kilay ni Rios.

Pahayag ng Pambansang Kamao, “In the beginning of the fight, I already announced that before, before the fight, I am gonna be like a young Manny Pacquiao and show may performance, throw them side by side, I used my boxing skills so I think I proved it. Im happy that God give me strength.”

Todo ang suporta sa kanya, hindi lamang ng mga Pilipino, kundi ng international boxing fans sa laban.

Ilan sa kilalang celebrities na namataan sa laban ay sina Paris Hilton, David Heckham at si Miguel Cotto na minsan nang tinalo ni Pacman.

Iniaalay ni Manny ang kaniyang pagkapanalo sa ating mga kababayang nasalanta ng Bagyong Yolanda.

Dagdag pa ni Pacman, “I hope na,especially to all Filipino people na nakapagbigay ako ng karangalan kasiyahan sa inyong lahat, not only Filipino people but all the fans around the world.”

Sa labang ito pinawi ni Manny ang mga haka haka na wala na siyang kakayahang makipaglaban sa larangan ng boxing.

Pinatutunayan din niya na hindi pa ito ang panahon ng kaniyang pagreretiro.

“I told them that this is not my time yet, my journey will continue and I said we will rise again and that’s what happen. Thank God for everything,” ani People’s Champ Manny Pacquiao. (RAMIES NARRAL / UNTV News) 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481