
Sa naganap na pananalasa ng Bagyong Yolanda, naging sa laman ng lansangan at ng mga operasyon ng pamahalaan ang mga militar at mga pulis hindi upang makipagbaka sa mga masasamang elemento kundi maghatid ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta. (MALACAÑANG PHOTO BUREAU)
MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Pangulong Benigno Aquino III ang militar na unang rumesponde sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Yolanda.
Ayon sa Pangulo, hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga sundalo, pulisya at mga bumbero sa pagtulong sa mga biktima ng bagyo.
Hindi aniya biro ang ginawa ng mga ito na pagrekober at paglibing ng mga labi, relief operations at ayuda sa mga biktima ng bagyo.
Tiniyak naman ni Pangulong Aquino na ipagpapatuloy ang mga programa para sa modernong AFP. (UNTV)