Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Special barangay elections sa Bohol, generally peaceful

$
0
0
Ang naging special barangay elections sa Bohol nitong Lunes, Nobyembre 25, 2013. (UNTV News)

Ang naging special barangay elections sa Bohol nitong Lunes, Nobyembre 25, 2013. (UNTV News)

BOHOL, Philippines — Eksakto alas-7 ng umaga ngayong Lunes nang magsimula ang special barangay elections sa mga polling precinct sa lalawigan ng Bohol.

Ang ilang botante ng ilang presinto sa Moto Sur, Loon, mag-aalas siyete pa lang ng umaga ay bumoto na.

Dumagsa rin ang mga botante sa Tagbilaran City na may pinakamataas na voting population sa buong Bohol.

Ayon sa COMELEC, mayroong kabuoang 1,109 barangay sa buong Bohol at may mahigit 799-libong voting population at 62-libo sa Tagbilaran City.

Ang bayan naman ng Loon at Sagbayan na matinding napinsala ng 7.2 magnitude na lindol noong October 15 ay nagtayo ng mga make shift polling precincts.

Personal na inikot nina COMELEC Commissioners Elias Yusoph at Lucenito Tagle ang mga polling precincts sa Bohol.

Binisita nito ang Dr. Cecilio Putong National High School sa Tagbilaran City, at ang Baclayon Elementary School sa Baclayon, Bohol.

Ayon sa COMELEC, maayos ang sistema ng halalan sa lalawigan.

“Ok naman sa nakikita namin.. We’ve been to Panglao tapos dito (Tagbilaran) then diretso kami hanggang Baclayon. Sa nakikita namin, very orderly ang election,” pahayag ni Tagle.

Sinabi ng Comelec, ito ang unang beses na nagdaos ng special elections sa Bohol kasunod ng magnitude 7.2 na lindol sa lalawigan. (Ley Ann Lugod, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481