Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ecowaste Coalition, nagsagawa ng toy drive para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda

$
0
0
“Isang paraan ito (ang toy clinic) para makumbinsi natin ang publiko na mahalaga talaga ang pagsusuri nila dito sa produktong pambata bago nila bilhin.” —  Thony Dizon, project coordinator ng Ecowaste Coalition (UNTV News)

“Isang paraan ito (ang toy clinic) para makumbinsi natin ang publiko na mahalaga talaga ang pagsusuri nila dito sa produktong pambata bago nila bilhin.” — Thony Dizon, project coordinator ng Ecowaste Coalition (UNTV News)

MANILA, Philippines — Isang toy clinic ang inilagay ng environmental network na Ecowaste Coalition noong Sabado, Nobyembre 23 sa Quezon Memorial Circle upang suriin ang mga donasyong laruan kung ligtas sa mga nakalalasong kemikal.

Layon ng proyekto na tulungan ang mga survivor ng Bagyong Yolanda partikular ang mga bata na maalis ang tinamong trauma mula sa pananalasa ng bagyo.

Ayon kay Thony Dizon, project coordinator ng Ecowaste Coalition, gusto nilang masigurong ligtas ang mga produktong pambata at laruan na ipadadala at ipamimigay sa mga lugar na sinalanta ng nakaraang bagyo.

“Isang paraan ito para makumbinsi natin ang publiko na mahalaga talaga ang pagsusuri nila dito sa produktong pambata bago nila bilhin.”

Sinuri ng Ecowaste team ang mga laruan sa pamamagitan ng XRF screening o ang portable x-ray fluorescence spectrometer.

Katuwang ng Ecowaste Coalition ang Philippine Pediatric Society sa naturang proyektong.

Kaugnay nito, nagbigay naman ng ilang paraan si east Avenue Medical Center Pediatric, Toxicologist Dr. Bessie Antonio upang maiwasan ang pagka-expose sa hazardous chemicals na nasa mga laruan.

Masaya ding nag-donate at naging bahagi ng toy drive ang ilan sa ating mga kababayan.

“Para mapasaya po natin ang mga batang nasakanta sa Tacloban, para makasurvive sila sa nangyari sa kanila,” pahayag ni Teresita Belen.

“Masaya po sa loob na makatulong ka sa nasalanta, kahit hindi ganun kalaki, kahit sa mga kabataan lang na gaya naming, at malaking tulong na po yan,” pahayag naman ni Shaina Ramos.

Inilabas din ng Ecowaste ang resulta ng kanilang November toy sampling sa mga formal at informal retailer sa Cubao, Commonwealth, Muñoz at Novaliches, Quezon City.

Sa kabuoang 150 samples, 73 sa mga ito ang napag-alamang  ay isa o higit pang toxic metal, gaya ng lead, antimony, arsenic, cadmium, chromium, at mercury.

Tatanggap ang Ecowaste Coalition ng mga laruang susurin at ipamimigay sa mga batang biktima ng Bagyong Yolanda hanggang Nobyembre 30. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481