Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Kuya Daniel Razon, pinarangalan ng The Luminary Award sa Do More Awards

$
0
0
Sa kadahilanang kasabay ng Do More Awards ang premiere night ng pelikula ni Kuya Daniel Razon na Isang Araw, si Atty. Regie Tongol ang dumalo sa gabi ng parangal upang tanggapin ang "The Luminary Award" nitong Nobyembre 28, 2013 para kay Mr. Public Service. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)

Sa kadahilanang kasabay ng Do More Awards ang premiere night ng pelikula ni Kuya Daniel Razon na Isang Araw, si Atty. Regie Tongol ang dumalo sa gabi ng parangal upang tanggapin ang “The Luminary Award” nitong Nobyembre 28, 2013 para kay Mr. Public Service. (PRINCE MARQUEZ / Photoville International)

MANILA, Philippines — Masayang tinanggap ng ating kasangbahay na si Atty. Regie Tongol ang award para kay Kuya Daniel nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 28, 2013 .

Bahagi ng acceptance speech ni Atty. Regie sa The Luminary Award para kay Mr. Public Service, “With this award, we challenge each and every one of you to continue spreading the light, love and the goodness of god to our fellowmen. To God be the Glory!”

Isa sa mga serbisyo publiko na isinagawa ni Kuya Daniel ang “Tulong Muna Bago Balita”

Kinonvert nito ang news vehicles bilang news and rescue vehicles at sinanay ang mga crew mula sa driver hanggang sa reporter na maging mga rescuer.

Ang proyekto ito sinimulan ni Kuya noong 2010.

Ilan pa sa mga serbisyo publiko ni Kuya ay ang full scholarship program for students, free public transportation, free roving medical and legal consultation, free medicine, livelihood at feeding programs.

Pahayag ni Kuya Daniel Razon,“Una sa lahat, nagpapasalamat tayo sa Panginoon at lagi naman yan, this belongs to him. Salamat sa Dios sa pagbibigay sa atin ng pagkakataon na maging part ng kanyang blessings na binibigay sa tao at to be an instrument sa mga tao. Sa mga nag-organize ng Do More Awards at sa lahat ng mga sumuporta, pumabor sa atin, salamat po.” (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

Pahayag ni Kuya Daniel Razon,“Una sa lahat, nagpapasalamat tayo sa Panginoon at lagi naman yan, this belongs to him. Salamat sa Dios sa pagbibigay sa atin ng pagkakataon na maging part ng kanyang blessings na binibigay sa tao at to be an instrument sa mga tao. Sa mga nag-organize ng Do More Awards at sa lahat ng mga sumuporta, pumabor sa atin, salamat po.” (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

Ayon kay Kuya, tuloy-tuloy ang pagsisilbi niya bilang “Luminary” sa ating mga kababayan.

“With God’s permission and mercy, yun ang pag-asa natin palagi if we will be given the chance. That’s actually what we are praying for. Sana as long as we are here, meron pa tayong buhay, may pagkakataon pa tayong magamit tayo sa anumang mabuting bagay. At patawad sa nga pagkukulang natin o may mga sablay tayo, and mapagtiyagaan to be an instrument of his goodwill,” ani Mr. Public Service.

Ang walong kategorya sa Do More Awards ay ang The Artist, The Challenger, The Innovator, The Social Entrepreneur, The Civic Hero, The Digital Trailblazer, The Global Pinoy, at ang The Luminary.

Napili ang mga awardee sa pamamagitan ng 60% na score mula sa boto ng panel at 40% mula sa online votes ng publiko.

Ang Do More Awards ang kauna-unahang search ng Rappler para sa “Ultimate Doers”. (BIANCA DAVA, UNTV News)

Ang tropeyo ng Do More Awards na para sa The Ultimate Luminary. (REY VERCIDE / Photoville International)

Ang tropeyo ng Do More Awards na para sa The Ultimate Luminary. (REY VERCIDE / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481