MANILA, Philippines — Kaalinsabay ng ika-30 taon sa serbisyo publiko ng ating Mr. Public Service, Kuya Daniel Razon ang sponsor’s night ng pelikulang Isang Araw, na ginanap sa Sofitel nitong Nobyembre 28, 2013.
Isang maikling programa ang isinagawa bago ipalabas ang pelikulang isang araw, bilang premier showing nito sa mga sponsor ng naturang pelikula.
Magkakahalong emosyon ang naramdaman ng mga nakapanood sa sponsor’s night ng pelikula dahil for all ages, ang message nitong dala.
Happy and proud naman ang ilan sa mga UNTV host, dahil nakabahagi sila sa pelikula na for a cause.
Ani Good Morning Kuya host Congressman Erin Tañada, “Talagang kailangang lahat ay parating iiniisip ay gawin yung tama. Dahil kung mababawasan nga natin ang kasamaang nangyayari… gaganda at gaganda ang lipunan.”
Paghanga naman ni Rise & Shine host Jenny Fajardo, “Ang galing sa effects ha, nabilib ako sa effects and then sa scoring.. tapos it’s a mixture of comedy and drama.”
Rekomenda naman ni Ito Ang Balita anchor Atty. Regie Tongol, “Pang world class yung editing, so I think dapat isali ito ni Kuya sa mga film festivals around the world.”
Ani Mr. Public Service, “Nag-iinvite kame dahil yung mga ginamit nating mga costume at yung ibang mga ginamit natin sa pelikula ay naka-auction po ngayon. At ang proceeds po nito ay gagamitin natin sa mga victim ng Bagyong Yolanda, we will be also helping them. We’ve started it already dahil nakapagpamahagi na tayo ng mga bangka sa lugar ng Kabisayaan.”
Bumati rin si Bro. Eli Soriano bilang kaagapay ni Kuya Daniel sa pagtataguyod ng ibat-ibang serbisyo publiko.
Para naman sa mga hindi pa nakapanood, abangan ang pagpapalabas ng Isang Araw sa iba pang mga lugar, isa na rito sa December 16, 2013 sa PICC o Philippine International Convention Center. (BRYAN EVANGELISTA, UNTV News)