HOLLYWOOD, CALIFORNIA — Pumanaw na ang Hollywood star na si Paul Walker, ang aktor na gumanap sa karakter bilang Brian O’Conner sa The Fast and the Furious film series.
Batay sa ulat ng US media, nasawi si Walker matapos maaksidente sa Santa Clarita, California sakay ng Porsche GT kasama ang isa pang kaibigan.
Sumalpok ang kotse sa isang puno at saka nagliyab.
Ang 40-year old actor ay dumadalo umano sa isang charity event ng kanyang reach out worldwide organization upang makalikom ng pondo para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda nang mangyari ang aksidente.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang Malakanyang sa mga naulilang pamilya ni Walker. (UNTV News)