LEYTE, Philippines — Umabot na 5,670 ang bilang ng mga nasawi sa hagupit ng Bagyong Yolanda.
Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nasa 26,233 ang sugatan at 1,761 naman ang nawawala.
Nagkakahalaga na ng mahigit 34-bilyong piso ang pinsala ng bagyo sa mga ari-arian, imprastraktura at agrikultura.
Sa ngayon ay nakapagbigay na ang pamahalaan ng mahigit 700-milyong pisong halaga ng ayuda sa mga binagyo. (UNTV News)