Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Philippine Army, nag-donate ng dugo para sa mga kapwa sundalo

$
0
0
Ang pag do-donate ng dugo ng ilan sa mga kawal ng        Philippine Army bukabg pag-ala-ala sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda. (UNTV News)

Ang pag do-donate ng dugo ng ilan sa mga kawal ng Philippine Army bilang pag-ala-ala sa mga kasamahan nilang naapektuhan ng Bagyong Yolanda at ng Zamboanga Seige.  (UNTV News)

MANILA, Philippines — Kumilos na rin ang Philippine Army upang tulungan ang mga kapwa sundalo na naapektuhan ng nagdaang kaguluhan sa Zamboanga City at pananalasa ng Super Typhoon Yolanda.

Ito’y sa pamamagitan ng pagdo-donate ng dugo para sa mga kasamahan nilang nangangailangan.

Ayon kay Philippine Army deputy public affairs office chief, Capt. Anthony Bacus, handa silang tugunan ang pangangailangan ng mga kasamahan upang madugtungan ang kanilang buhay.

“Drive po ito ng AFP to donate blood in order to save lives especially ngayong panahon na ito ay merong calamity nangyari sa bansa yung Typhoon Yolanda ay malaking tulong po ito,” anang opisyal.

Sinabi pa nito na inaasahan nilang nakakolekta sila ng 60,000cc ng dugo mula sa may 200 sundalo.

Ayon kay Bacus, hindi lamang sa mga sundalo at kapamilya mapupunta ang donasyong dugo kundi maging sa mga nangangailangang sibilyan.

“70% po ay reserved po para sa AFP personnel and dependents, at 30% po ay ido-donate po sa Philippine Blood Center.”

Kinumpirma din ng opisyal na tatlo ang sugatan, isa ang nawawala at isa ang patay sa mga tauhan ng 8th Infantry Division sa pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Visayas Region.

Nasa 23 naman ang nawalan ng tahanan at 517 ang nasira ang bahay sa kanilang mga kasamahan. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481