Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pinakamataas na generation charge, mararanasan ng MERALCO consumers ngayong Disyembre

$
0
0
Sina Meralco utility economics head Lawrence Fernandez (left) and Joe Zaldarriaga, Meralco's corporate communications manager (right) sa presscon nitong Martes, December 3, 2013 sa Meralco Head Office sa Ortigas, Pasig City. (DEC032013)

Sina Meralco utility economics head Lawrence Fernandez (left) and Joe Zaldarriaga, Meralco’s corporate communications manager (right) sa presscon nitong Martes, December 3, 2013 sa Meralco Head Office sa Ortigas, Pasig City. (WILLIE SY / Photoville International)

MANILA, Philippines — Mahigit dalawang piso kada kilowatt hour (kWh) ang posibleng itaas sa generation charge ng Manila Electric Co. (Meralco) ngayong buwan ng Disyembre.

Ibig sabihin, kung ang isang sambahayan ay komokonsumo ng 200 kWH kada buwan, aabot sa P500 ang madadagdag sa kanilang bill ngayong buwan.

Ayon sa Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, ito na ang pinakamataas na generation charge na kanilang maitatala.

Ang dahilan ng paglobo ng generation charge ay ang naka-skedyul na maintenance shut down ng Malampaya Power Plant na siyang nagsusupply ng natural gas.

Apektado ang Sta. Rita at Ilijan Power Plant, mapipilitan ngayon ang dalawang planta na gumamit ng alternatibong fuel upang patuloy na makapag-supply ng kuryente sa Meralco.

“Itong Ilijan at Sta. Rita gumamit ng mas mahal na panggatong o fuel source, form natural gas nag-shift siya sa liquid fuel,” ani Zaldarriaga.

Ang alternative fuel ay tatlong beses na mas mahal kumpara sa natural gas na sinu-supply ng Malampaya. Ngunit nilinaw ng Meralco na walang mapupunta sa kumpanya, kundi ito ay pass thru charges lamang.

“This are charges that we pass thru from the generators to the bill of the customers,” pahayag ni Larry Fernandez, Senior Manager and Head of Utility Economics ng Meralco.

Pinapayuhan naman ng Meralco ang kanilang mga consumer na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Bunutin sa saksakan ang anumang appliances na hindi ginagamit dahil kahit nasa standby mode ito ay komokonsumo pa rin ng kuryente.

Gumamit ng mga power board upang mas madaling ma-turn off ang maraming mga appliance na nakasaksak.

I-switch off ang mga ilaw kung hindi ginagamit, samantalahin ang natural light kung kinakailangan, gumamit ng CFL o LED lights kaysa mga light bulb.

Dahil sa malamig ang panahon ngayong Disyembre, maaaring i-on ang timer kung gagamit ng air-condition.

Kung bibili ng appliances, tingnan ang energy efficiency dahil kung mas mataas ang energy efficiency factor, mas maganda, at tiyakin palaging nasa maayos na kundisyon ng mga appliance.

Bagama’t napakataas na generation charge ang mararanasan ng mga consumer ngayong buwan ng Disyembre, nilinaw naman ng Meralco na pagdating ng Pebrero sa susunod na taon ay babalik na sa normal at mababang generation charge ang bayarin ng mga consumer. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481