Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Myanmar President U Thein Sein, bumisita sa Pilipinas

$
0
0
President Aquino welcomes His Excellency U Thein Sein, President of the Republic of the Union of Myanmar during the Arrival Ceremony at the Malacañan Palace Grounds for his State Visit to the Philippines (President Benigno Aquino III Official Facebook Fan Page)

President Benigno Aquino III welcomes His Excellency U Thein Sein, President of the Republic of the Union of Myanmar during the Arrival Ceremony at the Malacañan Palace Grounds for his State Visit to the Philippines (President Benigno Aquino III Official Facebook Fan Page)

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon ay bumisita sa Pilipinas si Myanmar President U Thein Sein upang mas lalong mapatibay ang samahan at ugnayan ng dalawang bansa.

Pasado alas-3 ng hapon nitong Miyerkules, Nobyembre 04, 2013 ng dumating si President U Thein Sein sakay ng isang special flight mula sa Myanmar.

Tatagal ng tatlong araw ang kanyang pagbisita sa bansa sa imbitasyon ni Presidente Benigno Aquino III.

Kasama ni President U Thein Sein si First Lady Daw Khin Khin Whin at mga miyembro ng kanyang delegasyon.

Layunin din ng pagbisita ng Myanmar President na higit pang mapalakas ang kalakalan at pmumuhunan, agrikultura, cultural exchange at palitan ng impormasyon ng dalawang bansa.

Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit limang daang Pilipino na nagtatrabahi sa Myanmar, karamihan ay mga guro, engineer, architect at journalists.

Kinikilala ng Myanmar ang malaking kontribusyon ng mga Pilipino sa pagunlad ng naturang bansa.

Tatalakayin din sa state visit ang pamumuno ng Myanmar sa Association of Southeast Asian Nation sa taong 2014.

Noong nakaraang mga buwan ay nagkaroon na ng ugnayan ang dalawang bansa ng dumalo si Pangulong Aquino sa World Economic Forum on East Asia sa bansang Myanmar.

Bukod dito, nagpaabot din ng malaking tulong ang Myanmar sa mga kababayan nating naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Yolanda sa Visayas.

Inaasahang mas titibay pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa pagbisita ni President U Thein Sein sa Pilipinas. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481