Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pinalayang Jordanian journalist, sumailalim sa stress debriefing

$
0
0
Ang pinalayang Jordanian journalist na si Baker Atyani na naging bihag ng Abu Sayyaf. (PNP-Sulu)

Ang pinalayang Jordanian journalist na si Baker Atyani na naging bihag ng Abu Sayyaf. (PNP-Sulu)

MANILA, Philippines — Sumasailalim na sa debriefing ng pulisya ang pinalayang Jordanian journalist na si Baker Atyani matapos ang 18 buwang pagkakabihag ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Miyerkules ng gabi nang makuha ng mga awtoridad si Atyani sa Patikul, Sulu. Nakatakda ding dalhin sa Metro Manila si Atyani matapos ang debriefing sa kaniya.

Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, isang magandang balita ang nangyaring pagpapalaya sa dayuhang mamamahayag.

“Good news for us, kahit paano kumakaunti na ang bilang na nasa kanila,” anang kalihim.

Dagdag pa nito, hindi pa tukoy kung may nangyari ngang bayaran ng ransom kapalit ng kalayaan ni Atyani subalit nanindigan ito sa ipinatutupad ng gobyerno na “no ransom policy”.

Sa kabila ng pagpapalaya sa Jordanian journalist, sinabi pa ni Gazmin na marami pa rin ang bihag ng Abu Sayyaf.

Kabilang sa mga hawak pang bihag ng bandidong grupo ang dalawang European bird watchers.

“Last week talk, there are 20 meron pang 17 natitira,” dagdag pa ni Gazmin.

Samantala, nakatakdang magtungo ng Mindanao si Gazmin para i-convene ang peace and order council doon. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481