MANILA, Philippines — (Update) Dalawamput pitong bangkay ang panibagong narecover sa Tacloban, Leyte na isa sa pinaka-nasalantang lugar ng Bagyong Yolanda.
Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 5,786 ang bilang ng nasawi sa nagdaang bagyo, habang nananatili sa 26,233 ang sugatan, at 1,779 ang nawawala.
Sa kasalukuyan ay nananatili pa rin sa mga evacuation center ang 872,727 pamilya mula sa mahigit 2-milyong apektadong pamilya.
Samantala, nananatili namang nasa mahigit 35-bilyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura. (UNTV News)