MANILA, Philippines — Kinansela na ng maraming Taiwanese travel agency ang tour packages sa Pilipinas.
Ito’y kasunod pa rin ng pagsiklab ng tensyon sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas dahil sa pagkamatay ng isang Taiwanese fisherman bunsod ng umano’y pamamaril ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Batanes.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), nagpatupad ng patakaran ang Taiwanese government kung saan maaaring maparusahan ang mga travel agency na mag-aalok ng tour packages sa Pilipinas.
Halos sampung libong turista ang katumbas ng mga kanseladong group packages at kung magpapatuloy ito sa loob ng anim na buwan ay posibleng umabot sa 50-libong Taiwanese tourists ang mawawala sa Pilipinas.
Dahil naman sa pagbaba ng bilang ng turistang Taiwanese, naghahanap na ng alternative market ang DOT at kabilang dito ang China. (UNTV News)