Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

OFW na maaapektuhan ng gulo sa ibang bansa, maaaring mag-enroll sa TESDA

$
0
0
Ang welding ang isa sa mga pwedeng i-enroll ng mga kababayang OFW sa TESDA. (UNTV News)

Ang welding ang isa sa mga pwedeng i-enroll ng mga kababayang OFW sa TESDA. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Handa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na tulungan ang mga Filipino worker na uuwi sa Pilipinas dahil sa naranasang problema sa pinagtatrabahuhang bansa.

Sa umpisa pa lamang ng taong 2013 ay sunod-sunod na problema na ang nararanasan ng mga OFW sa Malaysia, Saudi Arabia, at ang pinakabago ay sa Taiwan.

Ayon kay TESDA Director General Secretary Joel Villanueva, iba’t ibang kurso ang naghihintay sa mga OFW na nagnanais na madagdagan ang kaalaman sa paghahanap-buhay.

Kabilang dito ang technical course sa turismo, business process outsourcing at maging sa industriya ng construction.

“We wanted to retrain them retool them para nang sa ganon pag gusto nilang bumalik uli o gusto nilang magkaroon ng trabaho dito meron po silang option meron choice po sila,” pahayag ni Sec. Villanueva.

Bukas din ang oportunidad para sa mga babaeng welder sa Australia, Canada at maging sa mga kalapit-bansa sa Asya.

Magkikipagtulungan naman ang autodesk para sa software na gagamitin ng mga naka-enroll sa animation at short courses na ginagamitan ng AutoCAD.

Ayon kay Villanueva, nasa 12-libong estudyante ang unang makikinabang dito.

“Nandyan ang Walt Disney, ang Warner Bros. Mataas ang tingin nila sa ating animators sa mga games developers natin lalo na pagka ang ating mga estudyante ay nagkaroon ng access sa ganitong resources.”

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa website ng TESDA na www.tesda.gov.ph o kaya’y tumawag sa # 887-7777. (Rey Pelayo & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481