Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

‘Selfie’ shots sa mga binagyong lugar, bawal na sa mga pulis

$
0
0
FILE PHOTO: Mga pulis na naka-duty sa rehabilitasyon ng mga nasalanta ng Bagyong Yolanda. Nagpalabas na ang Philippine National Police ng patuparin na pagbabawal sa pag-se-selfie sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda at pati na rin sa lahat ng operasyon ng Pambansang Pulisya. (PNP-RCG)

FILE PHOTO: Mga pulis na naka-duty sa rehabilitasyon ng mga nasalanta ng Bagyong Yolanda. Nagpalabas na ang Philippine National Police ng patuparin na pagbabawal sa pag-se-selfie sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda at pati na rin sa lahat ng operasyon ng Pambansang Pulisya. (PNP-RCG)

MANILA, Philippines — Hindi na pinahihintulutan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na nasa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Yolanda na kumuha ng “selfie” shots.

Ang selfie, ayon sa Oxford dictionary ay ang pagkuha ng isang tao ng larawan ng kaniyang sarili sa pamamagitan ng smart phone o webcam at iaa-upload ito sa social media website.

Paliwanag ng PNP, wala namang magandang maibubunga ang pagkuha ng selfie upang mapabuti ang kalagayan ng mga nasalanta ng Bagyong Yolanda.

“Selfie does not contribute to ease damage Yolanda. Not in protocol of police in duties. Presence of police should be maximized in area taking selfie photos prohibited,” pahayag ni PNP-PIO Chief Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac.

Ngunit ayon sa pulisya, posibleng hindi lamang sa lugar na apektado ng Bagyong Yolanda ipatupad ang pagbabawal sa selfie shots kundi sa lahat ng police operations.

Ani Sindac, “born out of past experiences ganoon direction selfie not allowed in crisis situation manmade or natural disaster.”

Ang mga pulis na lalabag sa kautusan ay maaring maharap sa kasong administratibo.

Sa ngayon ay wala pang nakakasuhang pulis kaugnay sa nasabing pagbabawal. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481