MANILA, Philippines — Nakakita ng mga dahilan si Pangulong Benigno Aquino III upang paimbestigahan sa Department of Justice (DOJ) ang parole grant kay dating Batangas Governor Antonio Leviste.
“Sabihin nila may good conduct allowance etc, panung good conduct ang nasa labas ng piitan habang nagse-serve ng sentence so hindi ko maintindihan kung mako-consider man lang,” pahayag ng Pangulo.
Ayon pa kay Pangulong Aquino, inatasan na niya ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na i-review ang proseso kung papaano itinatalaga ang isang miyembro ng Board of Pardons and Parole.
Pinaaral na rin ng pangulo sa DOJ kung posibleng bawiin ang parole sa dating gobernador.
‘”Pinari-review ko rin yung pwede bang mabawi ang pagkakaintindi ko only sa objection nung family concern under present rules di naman tayo pwedeng gumawa ng panibagong patakaran na maaring retroactive,” pahayag pa ni Pangulong Aquino. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)