Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pilipinas at Saudi Arabia, pumirma sa isang kasunduan para sa kapakanan ng mga Filipino household service workers

$
0
0
Kingdom of Saudi Arabia and Philippines Flag (Wikipedia)

Kingdom of Saudi Arabia and Philippines Flag (Wikipedia)

MANILA, Philippines – Pinagtibay na ng Pilipinas at Saudi Arabia ang Standard Employment Contract na may layuning mapangalagaan ang kapakanan ng Filipino household service workers.

Itinuturing na makasaysayan ang paglagda ng Pilipinas at Saudi Arabia dahil ito ang unang pagkakataon na nakipagkasundo ang Saudi sa isang labor sending country.

Nakapaloob sa kasunduan ang proteksyon ng gobyerno sa Filipino household workers at minimum na sahod na mahigit sa labing-anim na libong piso.

Bibigyan din ng oras ng pahinga sa isang araw ang mga OFW at day-off sa isang linggo at paid vacation leave.

Bawal na ring i-hold ng mga amo ang kanilang passport at working permits.

Pinagtibay din dito ang pagkakaroon ng maayos na pag-trato sa mga household service worker.

Tinatayang nasa anim na raan at pitumpung libong OFW ang nasa Saudi Arabia sa ngayon at 60-libo sa mga ito ay nasa household service.

Sa kasunduang ito, umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na mababawasan na ang kaso ng pang-aabuso sa mga household service worker sa Saudi Arabia. (Ley Ann Lugod & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481