MANILA, Philippines — Magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Senado kaugnay sa all time high power rate hike ng Manila Electric Company o MERALCO.
Una nang sinimulan ng mababang kapulungan ng kongreso ang pagdinig sa naturang isyu.
Ayon kay Senator Antonio Trillanes IV, marapat lamang na tutukan ito ng Senate Committee on Energy upang maprotektahan ang interes ng publiko.
Dagdag pa ng senador, sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA Law ay dapat na masiguro na abot-kaya ang singil sa kuryente.
Taliwas aniya rito ang nakaambang dagdag-singil na hinati sa tatlong buwan. (UNTV News)