Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Misuari, nasa bansa pa rin ayon sa AFP

$
0
0
REUTERS FILE PHOTO: Si Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari (gitna) kasama si Commander Habier Malik at ang iba pang mga miyembro ng MNLF.

REUTERS FILE PHOTO: Si Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari (gitna) kasama si Commander Habier Malik at ang iba pang mga miyembro ng MNLF.

MANILA, Philippines – Nasa bansa pa rin si MNLF founding chairman Nur Misuari.

Ito ang ipinahayag ni AFP Spokesperson Lieutenant Colonel Ramon Zagala taliwas sa unang sinabi ni MNLF Spokesman Attorney Emmanuel Fontanilla na matagal nang nakalabas ng bansa si Misuari.

Ayon kay Zagala, huling namataan si Misuari sa Sulu batay sa kanilang intelligence report.

Muli namang umapela ang AFP na sumuko na ito at harapin ang kanyang kaso.

Magugunitang inakusahan si Misuari na siya umanong utak sa naganap na Zamboanga seige noong Setyembre. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481