Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pasang Masda, hindi hihiling ng taas-pasahe ngayong buwan

$
0
0
“Ang ating mga kapatid sa kabisayaan ay nakaranas na po ng delubyo at hindi tayo magtataas ng pasahe dahil handa naman ang ating mga kasapi na maghigpit ng sinturon."— PASANG MASDA President Obet Martin (UNTV News)

“Ang ating mga kapatid sa kabisayaan ay nakaranas na po ng delubyo at hindi tayo magtataas ng pasahe dahil handa naman ang ating mga kasapi na maghigpit ng sinturon.”— PASANG MASDA President Obet Martin (UNTV News)

MANILA, Philippines – Naiintindihan ng grupo ng grupong PASANG MASDA (Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburbs Drivers Association) ang kalbaryong dinaranas ng mamamayan lalo’t hinagupit tayo ng sunod-sunod na kalamidad.

Kaya naman tiniyak ng grupo na hindi sila hihiling ng dagdag singil sa pasahe ngayong buwan ng Disyembre.

Ito ay sa kabila ng paghahain ng petisyon ng ibang transport group na humihiling ng P2 fare increase sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“Itong buwan ng Disyembre, ito po’y gagawing pamasko ng Pasang Masda sa aning mga mananakay at wala po kaming gagawing pagtataas ng pamasahe,” pahayag ni Ka Obet Martin, president ng Pasang Masda.

Sinabi pa ni Martin na kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo hanggang Enero at Pebrero sa susunod na taon ay saka pa lamang nila pag-uusapan kung ano ang susunod nilang hakbang.

Sa kasalukuyan ay handa umano ang mga miyembro ng Pasang Masda na tiisin na lamang ang hirap, sa halip na ipasa sa mga pasahero.

“Ang ating mga kapatid sa kabisayaan ay nakaranas na po ng delubyo at hindi tayo magtataas ng pasahe dahil handa naman ang ating mga kasapi na maghigpit ng sinturon.”

Gayunma’y nanawagan ang grupo sa Department of Energy (DOE) na masusing imbestigahan ang tinaguriang “Big 3” oil companies kaugnay sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481