Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Liberal Party, ikatutuwa kung sasama sa kanila si Sen. Grace Poe-Llamanzares

$
0
0
FILE PHOTO: Si Senator Grace Poe Llamanzares kasama ang Pangulong Aquino at ang Team PNOY sa isang campaign rally sa Cebu. (JAMES VERCIDE / Photoville International)

FILE PHOTO: Si Senator Grace Poe-Llamanzares kasama ang Pangulong Aquino at ang Team PNOY sa isang campaign rally sa Cebu. (JAMES VERCIDE / Photoville International)

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni House Deputy Speaker Rep. Erin Tañada na ikatutuwa ng Liberal Party (LP) kung sasama sa kanila ang number 1 sa mga nanalong senador sa nakaraang halalan na si Grace Poe-Llamanzares.

“Kilala naman nya yung mga personalidad sa likod ng Liberal Party at open invitation naman kay Sen. Grace na sumama sa Liberal Party. Nasa kanya po yan, we will be very happy if she will decide to join the Liberal Party.”

Sinabi rin ni Tañada na bagama’t ipinapalagay ng marami na mananalo si Poe, hindi naman inasahan na mangunguna ito sa mga nagwaging senador.

Aniya, tiyak na interesado na ang ibat-ibang partido na makasama si Poe para sa 2016 elections.

“Nayanig ng konti ang itsura ng 2016 dahil being number one it means that there is a posibility na pwede kang maging vice-presidential candidate…”

“Ngayon yung mga nag-iisip na tumakbo sa mas mataas na posisyon ay kinakabahan na o gustong ligawan,” pahayag pa ni Tañada.

Gayunman, sinabi rin ng mambabatas na masyado pang maaga para pag-usapan ang presidential elections sa 2016. (Lea Ylagan & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481