Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

OWWA, nagpadala na ng team sa Yemen para sa repatriation ng mga OFW

$
0
0
“There is now alert level 3. So yung mga gustong umuwi na uuwi na, gastos din naman ng gobyerno. But they would just have to register that they would like to come home.” — OWWA Administration Carmelita Dimzon (UNTV News)

“There is now alert level 3. So yung mga gustong umuwi na uuwi na, gastos din naman ng gobyerno. But they would just have to register that they would like to come home.” — OWWA Administration Carmelita Dimzon (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nagpadala na ng mga tauhan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Yemen upang tulungan ang mga OFW na gusto nang makauwi sa Pilipinas.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon, sa ngayon ay hindi pa matiyak kung ilang Pilipino ang nais nang lumikas.

Noong nakaraang linggo ay itinaas sa level 3 ang crisis alert sa Yemen matapos ang suicide bombing na ikinasawi ng 7 Pilipino at ikinasugat ng 29.

Sa ngayon ay nasa ligtas na lugar na sa Yemen ang mga sugatang Pilipino at aalamin pa kung sino sa kanila ang gusto nang umuwi ng bansa.

Sa ilalim ng crisis alert level 3 ay ipinatutupad ang voluntary repatriation at sasagutin ng gobyerno ang gastos sa pamasahe pauwi ng Pilipinas.

“There is now alert level 3. So yung mga gustong umuwi na uuwi na, gastos din naman ng gobyerno. But they would just have to register that they would like to come home,” saad ni Dimzon.

Sa kasalukuyan ay nasa 1,500 hanggang 2,000 ang mga manggagawang Pinoy na nasa Yemen.

Bawal munang magpadala ng OFW sa lugar kahit ang mga dati nang nagtatrabaho doon na nasa Pilipinas sa ngayon.

Ayon sa OWWA, sisikapin din nilang maiuwi ang mga labi ng mga Pilipinong namatay sa pagsabog bago matapos ang taon.

Sa ngayon ay pahirapan pa ang booking sa mga eroplano dahil sa holiday season. Ngunit ayon sa OWWA, maaari namang kumuha na lamang ng chartered flight ang gobyerno ng Pilipinas kung marami ang nagnanais na umuwi ng bansa.

Samantala, halos 5-libo na ang naililikas na OFW mula sa Syria habang mahigit sa 3,500 ang mga OFW na natulungan ng OWWA sa pagaayos ng dokumento sa Saudi Arabia.

Ayon kay Dimzon, nasa 900 Pilipino sa Saudi ang naghihintay na lamang ng clearance upang makauwi ng bansa. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481