Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Patrol system vs. krimen sa Metro Manila, palalakasin ng PNP

$
0
0
FILE PHOTO: QCPD Police (UNTV News)

FILE PHOTO: QCPD Police (UNTV News)

MANILA, Philippines — Palalakasin ng bagong talagang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Chief Police Director Carmelo Valmoria ang patrol system laban sa krimen sa Metro Manila.

Ayon kay Valmoria, kabilang sa kanilang tututukan ang kaligtasan ng mga commuters na sumasakay sa mga bus sa Edsa.

“Ang kailangan talaga natin ay i-intensify ng police presence, hindi lang sa mga kriminal kundi sa mga terrorist acts,” pahayag nito.

Sinabi pa ng heneral na pinag-aaralan na rin ng pulisya ang pagbabawal ng paggamit ng cellphone habang nakasakay sa pampublikong sasakyan.

Nananawagan naman ang NCRPO sa publiko na makipagtulungan para sa mas mabilis na ikadarakip ng mga snatcher at holdaper.

Kasabay nito, pinalalahanan rin ni Valmoria ang mga pulis na huwag balewalain at pagpasa-pasahan ang mga natatanggap na reklamo at sumbong ng publiko.

“Kailanga entertain natin at kung saan sila at we will be the one to address and refer, hindi yung hindi dito nangyari yan so punta kayo don sa isang station, hindi dapat ganon,” pahayag pa ni Valmoria. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481