Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Gift certificates, dapat walang expiration date ayon sa DOJ

$
0
0
GRAPHICS: Representation of a gift certificate with an expiration date (UNTV News_

GRAPHICS: Representation of a gift certificate with an expiration date (UNTV News)

MANILA, Philippines – Tiniyak ngayon ng Department of Justice (DOJ) sa mga consumer na walang expiration date at hindi maaaring mag-expire ang gift certificates.

Sakop nito ang lahat ng gift checks at gift cards na galing sa iba’t ibang mga establisyemento.

Sa ilalim ng Administrative Order No. 10-04 na inisyu ng DTI noong 2010, ipinagbabawal ang paglalagay ng expiration date sa mga gift certificate, gift checks at gift cards.

Nagpaalala rin ang DOJ sa mga negosyante na tuparin ang kanilang commitment at sumunod sa mga panuntunan at regulasyon.

Sinabi pa ni DOJ Undersecretary Geronimo Sy na ang gift certificates ay katumbas ng pera at ang pera ay hindi nag-i-expire. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481